Help:Editing pages/tl

From Linux Web Expert

File:PD-icon.svg Note: When you edit this page, you agree to release your contribution under the CC0. See Public Domain Help Pages for more info. File:PD-icon.svg

Napakadaling baguhin ang nilalaman ng isang wiki:

  1. I-click ang "Edit" page tab sa tuktok ng pahina.
  2. Baguhin ang teksto.
  3. I-click ang pindutang "Save page".

Ganoon kasimple!

Mga patakaran sa pagbabago, kombensyon sa pagbabago, at pagsasaayos

Ang pinakaunang patakaran ng pagbabago ng wiki ay maging mapagbakasakali. Magpatuloy lang sa pagbabago. Maaaring iwasto ng mga ibang tao ang mga pagkakamali na ginawa mo, kaya magkaroon ng tiwala, at subukan ito! Mayroong iba't ibang klase ng kombensyon, patakaran, at pilosopiya ng pagbabago ng mga pahina ng wiki, pero ang patakarang maging mapagbakasakali ay ang pinakamahalaga sa mga ito!

Ang isang pagbabago ay maaaring mag-ambag ng buong bagong talata ng impormasyon, o maaaring itong maging kasing simple ng pagwawasto ng typo o pagkakamali sa pagbaybay. Sa pangkalahatan, subukan na dagdagan o baguhin ang teksto para maging malinaw at maigsi. Pinakamahalaga, siguraduhin na palagi kang naglalayong gumawa ng bagay na magpapabuti ng nilalaman ng wiki.

Kung kailangan mong gumamit ng isang uri ng pagsasayos, tulad ng para sa bagong pamagat o pagpapakapal ng teksto, maaari mong gawin ito sa paggamit ng palaugnayan ng wiki o ang mga pindutan sa toolbar ng pagbabago sa ibabaw ng editing zone. Tingnan ang Help:Formatting para sa mga halimbawa ng karaniwang uri ng ginagamit na pagsasaayos.

If you want to try out editing, you can test editing on the page named Project:Sandbox , which has been specifically set aside for you to test editing.

Buod ng pagbabago

Bago lathalain ang binago, maaari kayong maglagay ng maikling tala (dapat mas maikli sa 500 titk) sa kahong "Summary:" na maglalarawan ng iyong binago. Wag mag-alala masyado, o maglaan ng napakaraming oras sa pag-iisip tungkol dito: maglagay lamang ng maikling paglalarawan ng binago mo. Halimbawa, maaari mong sabihin na "niwasto ang typo" o "nagdagdag ng karagdagang impormasyon tungkol sa mirasol".

Itatabi ang buod kasama ang binago, at nagpapahintulot ito ng mga tao na subaybayan ang mga pagbabago sa wiki nang mas mabisa.

Unang pagtingin

Magandang ideya na gamitin ang pindutang "Show preview" para makita ang itsura ng iyong pagbabago, bago lathalain ito. May kinalaman din ito sa pagsusubaybay ng pagbabago dahil sa tuwing nilalathala mo, ipinapakita din ito bilang hiwalay na pagbabago. Hindi dapat pag-aalahanin ito, pero magandang ugaliin na tanggalin ang mga pagkakamali sa iyong gawin sa pamamagitan ng unang pagtingin bago ilathala kaysa lathalain tapos mangailangan na gumawa ng isa pang pagbabago para makagawa ng isa o iilang mga napakaliit na pagwawasto.

Ipakita ang mga pagbabago

Isa pang opsyon ang pindutang "Show changes" na pinapahintulot na makita ang mga pagkakaiba ng kasalukuyang bersyon at ang binagong bersyon.

Mga protektadong pahina

Ang mga pahinang protektado ay hindi maibabago ng sinuman maliban sa mga tagagamit ng mga tiyak na pangkat. Kaugnay nito, ipapakita ng mga protektadong pahina ang "Tingnan ang batayan" sa halip ng baguhin. Ang mga default na antas ng proteksyon ay ang mga sumusunod:

  • Wala (pinapayagan ang lahat ng mga tagagamit)
  • Awtokumpirmado (pinagbabawalan ang pagbabago mula sa mga bagong at di-rehistradong tagagamit)
  • Sysop (pinagbabawalan ang pagbabago mula sa lahat ng tagagamit maliban sa mga tagapangasiwa)

Ibang uri ng pagbabago

Sa wiki edits, maaari kang lumikha ng bagong pahina, maglipat (o palitan ang pangalan) ng pahina, o kahit magbura ng pahina:

Tandaan na dapat maglayon palagi na pabutihin ang pangkalahatang nilalaman ng wiki sa iyong mga pagbabago.

Talakayan

Ang bawat artikulo ay may sariling "pahinang pang-usapan" kung saan makakapagtanong ka, magmungkahi, o magtalakay ng mga pagwawasto. Tingnan ang Help:Talk pages .